Linggo, Pebrero 10, 2013


“Sulong na sulong pa Dasmariñas!” Kung isa kang turista, pupuntahan at dadalawin mo ba ang Dasmariñas?

Simula pa lamang noong munisipalidad pa lamang ito ay sikat na ang Dasmariñas sa iba’t-ibang mga bagay na maaring gawin mo dito. Mula sa mga parke, paliguan at mga simbahan dito ay di na matatawaran ang kasiyahan na maaring maibigay nito sa’yo. Isa na dito ang ipinagmamalaking Kadiwa Park ng Burol I, Dasmariñas City, dito ay maari kang mamasyal at madinig ang lagaslas ng tubig mula sa mga talon na mayroon ang parke. Maging ang mga bata ay lubos na matutuwa sa mga life-size na pigura ng iba’t-ibang hayop kasama ang ibang kaalaman tungkol sa mga naturang hayop.Ilan pa ang mga naglalakihang mall ng Dasmariñas, ang SM Dasmariñas, Robinson’s Dasmariñas, Waltermart Dasmariñas, Central Mall Dasmariñas at iba pa na ipinagmamalaki rin ng Dasmariñas. Maging ang mga naggagandahang  paliguan at resorts sa Dasmariñas ay nagdudulot ng walang patid na tuwa sa mga mamayan at maging sa mga turista ng lugar. Ilan na dito ang Volet’s , Qubo Qabana, Kalipayan Resort at Swiss Resort na magpaparamdam sayo ng dagat kahit na hindi pinagpala ang Dasmariñas ng mga dagat. Mayroon ding mga simbahan ang Dasmariñas na tanyag tulad ng Simbahan ng Hesus Nazareno, Simbahan ng Inang Saklolo, Simbahan ng Mabuting Pastol at Simbahan ng Imaculada Concepcion. Maging mga kapilya ng ibang relihiyon tulad ng Iglesia Ni Cristo ay mayroon din. Hindi man pinagpala ng magagandang natural na tanwain ang Dasmariñas ay pinagpala naman itong magkaroon ng talentado at malikhaing mamayan.

Maging ako na isang Dasmarineño ay mangha sa taglay na alindog ng aking bayang kinalakihan at kung isa man akong turista ay babalik-balikan ko ang Dasmariñas dahil kahit isa lang itong simpleng siyudad ay mayroon itong bagay na binibigay sa akin — ang pag-asa na sana lahat ng tao sa Pilipinas ay maging kasing disiplinado ng mga Dasmarineño. Naniniwala ako na kapag ipinagpatuloy ito ng mga Dasmarineño ay susulong pa ang Dasmariñas.