“Sulong
na sulong pa Dasmariñas!” Kung isa kang turista, pupuntahan at dadalawin mo ba
ang Dasmariñas?
Simula
pa lamang noong munisipalidad pa lamang ito ay sikat na ang Dasmariñas sa iba’t-ibang
mga bagay na maaring gawin mo dito. Mula sa mga parke, paliguan at mga simbahan
dito ay di na matatawaran ang kasiyahan na maaring maibigay nito sa’yo. Isa na
dito ang ipinagmamalaking Kadiwa Park ng Burol I, Dasmariñas City, dito ay
maari kang mamasyal at madinig ang lagaslas ng tubig mula sa mga talon na
mayroon ang parke. Maging ang mga bata ay lubos na matutuwa sa mga life-size na
pigura ng iba’t-ibang hayop kasama ang ibang kaalaman tungkol sa mga naturang
hayop.Ilan pa ang mga naglalakihang mall ng Dasmariñas, ang SM Dasmariñas,
Robinson’s Dasmariñas, Waltermart Dasmariñas, Central Mall Dasmariñas at iba pa
na ipinagmamalaki rin ng Dasmariñas. Maging ang mga naggagandahang paliguan at resorts sa Dasmariñas ay
nagdudulot ng walang patid na tuwa sa mga mamayan at maging sa mga turista ng
lugar. Ilan na dito ang Volet’s , Qubo Qabana, Kalipayan Resort at Swiss Resort
na magpaparamdam sayo ng dagat kahit na hindi pinagpala ang Dasmariñas ng mga
dagat. Mayroon ding mga simbahan ang Dasmariñas na tanyag tulad ng Simbahan ng
Hesus Nazareno, Simbahan ng Inang Saklolo, Simbahan ng Mabuting Pastol at
Simbahan ng Imaculada Concepcion. Maging mga kapilya ng ibang relihiyon tulad
ng Iglesia Ni Cristo ay mayroon din. Hindi man pinagpala ng magagandang natural
na tanwain ang Dasmariñas ay pinagpala naman itong magkaroon ng talentado at
malikhaing mamayan.
Maging
ako na isang Dasmarineño ay mangha sa taglay na alindog ng aking bayang
kinalakihan at kung isa man akong turista ay babalik-balikan ko ang Dasmariñas
dahil kahit isa lang itong simpleng siyudad ay mayroon itong bagay na binibigay
sa akin — ang pag-asa na sana lahat ng tao sa Pilipinas ay maging kasing
disiplinado ng mga Dasmarineño. Naniniwala ako na kapag ipinagpatuloy ito ng
mga Dasmarineño ay susulong pa ang Dasmariñas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento